-- Advertisements --
Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi matapos ang pagbagsak ng bubungan ng isang simbahan sa Mexico.
Kinabibilangan ito ng limang babae, dalawang lalaki at tatlong bata ang nasawi habang mayroong 60 iba pang sugatan.
Naganap ang insidente sa Cidudad Madero sa Tamaulipas state.
Karamihang mga bata kasi ang binibinyagan sa lugar tuwing Linggo bago nangyari ang aksidente.
Nagpaabot na rin si President Andres Manuel Lopez Obrador ng kaniyang pakikiramay sa kaanak ng mga nasawing biktima.
Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing aksidente.