Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa nangyaring pamamaril na ikinamatay ng 10 katao kabilang ang isang pulis sa King Soopers supermarket sa Boulder, Colorado.
Ayon kay Boulder Police Department Commander Kerry Yamaguchi, nasa kanilang kustodiya na ang sugatang suspek ngunit inaalam pa nila kung may mga kasamahan ito sa ginawang pamamaril.
Dagdag pa ni Yamaguchi, basi sa pahayag ng mga witnesses, marami pang namatay sa nangyayaring pamamaril ngunit patuloy pa nila itong biniberipika ang eksaktong bilang nito.
Inaalam din ng mga law enforcers kung ilang tao ang nasa loob ng supermarket habang namamaril ang suspek.
Samantala, nilinaw naman ni Yamaguchi na wala nang nagpapatuloy na banta na nauugnay sa nangyayaring pamamaril lalo pa’t nahuli na nila ang suspek.