-- Advertisements --

ILOILO CITY – Matagumpay na nailigtas ng mga otoridad ang 10 menor de edad sa isang hazing sa Brarangay PD Monfort North, Dumangas, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Joven Arevalo, hepe ng Dumangas Municipal Police Station, sinabi nito na ang mga menor de edad ay miyembro ng ‘UBACHIE TROPS’ o Uba Chinelas Dalagan Trops na isang gang.

Ayon kay Arevalo, mayroong nagpadala ng impormasyon sa kanila na may magaganap na hazing kung kaya’t pinuntahan nila ang lugar at nahuli sa akto ang ginagawang hazing sa pamamagitan ng pag-paddle sa mga miyembro.

Ang mga menor de edad ay dinala sa Department of Social Welfare and Development at kaagad na ipinaalam ang kani-kanilang magulang sa nangyari.