Tulad sa kanyang stopover sa Los Angeles, mainit ding sinalubong ng mga kababayang Pinoy si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa kanyang pagdating sa Atlanta, Georgia.
Kaninang umaga nang ianunsyo ng 23-year-old Fil-Palestinian beauty na nakarating na siya sa tinaguriang most populous city sa estado ng Georgia sa Amerika.
Ito’y 10 araw na lamang bago ang coronation ng 68th Miss Universe sa darating na December 9 (Manila time).
At kahit itinakda na ang preliminary competition sa December 6, bakas ang excitement ni Gazini sa kung anong papasyalan nito o susubukang pagkain sa Atlanta.
“Touchdown Atlanta! Good morning, Philippines! Immensely happy to be welcomed by our kababayans here in Atlanta who came all the way to the airport to show love and support ❤️ Maraming salamat mga kababayan ko! ❤️ Honored to be raising our flag on this side of the world! 🇵🇭🇵🇭🇵🇭 P.S. It’s my first time here in Atlanta. What activity or food should I try here? ❤️”
Samantala, sa susunod na linggo ay babiyahe na rin pa-Amerika ang ina ni Gazini upang personal na panoorin ang laban ng anak kung saan target maibigay sa bansa ang panglimang Miss Universe crown at ang back-to-back win kasunod ng half Pinay mula Bicol na si Catriona Magnayon Gray.
“I am very excited for Gazini but also a bit nervous. I had a dream about her that she would win. Let’s see if it comes true. But I am happy that I get to spend Christmas with her. We’ll be visiting my sister in the US,” saad ni Ginang Carmencita.