Patay ang 10 bandido habang walo ang sugatan sa naganap na sagupaan sa Sultan Kudarat kahapon bandang alas-6:30 ng umaga.

Ayon kay 33rd Infantry Batallion commander Lt Col. Harold Cabunoc, nakatakda sanang isisilbi ng ilang miyembro ng mga pulis kasama ang tropa ng 33rd IB ang warrant of arrest laban sa ilang miyembro ng lawless elements sa Sitio Mantisao, Bual Village, Sultan Kudarat pero pinagbabaril sila ng mga ito na nagresulta nang matinding sagupaan.

Resulta ng sagupaan ang pagkamatay ng 10 bandido habang walo ang sugatan.

Arestado naman ang isang bandido na kinilalang si Abdul Magid Logioman alyas Black Moro, 41-anyos.

Isang sundalo rin ang sugatan na kinilalang si Sgt. David Desidario ng Division Recon Company.

Una rito ay humiling sa militar ang mga residente ng Chua village na magsagawa ng law enforcement operation sa kanilang lugar dahil sa pananakot na ginagawa ng mga rebeldeng grupo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here