-- Advertisements --

ASGSULU4

Boluntaryong sumuko sa militar sa Sulu ang 10 Abu Sayyaf members kasama ang ilang supporters, kabilang ang ilang mga babae.

Ayon kay 4th Marine Brigade Commander Col. Hernanie Songano, sumuko sa mga operating troops ng Marine Battalion Landing Team -1 (MBLT-1) ang mga nasabing ASG members sa Barangay Seit Lake Poblacion, Panamao,Sulu.

“Yesterday morning, Marine Battalion Landing Team- 1 under the overall-in-charge Maj John Dela Cruz formally welcomed the voluntary surrender of ten personalities associated with ASG at their headquarters,” wika ni Songano.

ASGsulu1

Sinabi ni Songano, sa 10 ASG members na sumuko, apat dito ay full time members habang ang anim na iba pa ay mga supporters, close family members ni ASG sub-leader Sansibar Bencio.

Ang pagsuko ng mga nasabing bandido ay para tuluyan ng matapos ang terorismo sa probinsiya at sa tulong ni Panamao Mayor Al-Frazier Abdurajak.

Kinilala naman ni Maj Dela Cruz ang mga sumukong ASG members na sina: Makkin Salidin, Idjo Aburajan, Haris Jul at Raham Saddih mga followers ni Bencio.

asgsulu

Isinuko ng mga ito kanilang tatlong M16 rifles na may magazines at ammunitions, isang M14 rifle at isang Cal. 45 pistol.

Kabilang sa mga sumuko ang ina ni ASG sub-leader Sansibar Bencio na nakilalang si Maybat Saliddi at asawa nito na si Marissa Marajan, kanilang isinuko ang isang M1 garand rifle bilang patunay sa kanilang sinseridad.

Sumuko din ang isa pang supporters at kamag-anak ni Bencio na nakilalang si Sikal Hussein.

Naniniwala naman ni Joint Task Force Sulu Commander, MGen. William Gonzales na ang pagsuko ng mga nasabing ASG members ay dahil na neutralized na ng mga sundalong Marines ang mga key ASG leaders sa second district ng Sulu.

Kabilang sa na-neutralized ng militar sina Hairulla Abduraja na napatay sa isang enkwentro nuong 2019.

Habang sina subleader Hatib Munap Binda at Bencio Barahama ay napatay nuong November 2020.

“Aside from leadership vacuum tremendously felt by the ASG at the second district, the fact that ASG main group is at its downfall is putting pressure to all remaining members and supporters. Driving them to have a change in perspective and return to a life of peace,” pahayag ni MGen Gonzales.

Na turned-over na rin sa local chiefs sa Barangay ang mga sumukong bandido para mabigyan ng kaukulang tulong.

Pinuri naman ni AFP Chief of Staff Gen Cirilito Sobejana ang mga accomplishments ng militar sa probinsiya ng Sulu.

” Exemplified that the excellent convergence of local government units/agencies and the military is the game changer in thig fight against terrorism,” mensahe ni Sobejana ng bumisita ito at Joint Task force – Sulu Headquarters.