Isang linggo matapos idaos ang presidential elections sa Amerika, life goes on para sa TV personality na si Kim Kardashian.
Ito’y matapos mabigo sa pagtakbo bilang pangulo ang rapper at kanyang asawang si Kanye West.
Katunayan ay magkasamang naglibang sa beach ang isa sa itinuturing na A-list couple sa Hollywood.
Una nang nagpahiwatig ang 43-year-old rapper na tatakbong muli sa paka-pangulo sa 2024 kung saan ang kanyang sarili rin daw ang kanyang ibinoto sa US elections na tumagal ng halos apat na araw.
Sa panig ng 40-year-old socialite, hindi na nito ibinunyag kung sino ang ibinotong pangulo bagama’t kilala bilang vocal supporter ni Donald Trump.
Gayunman, naging kapansin-pansin ang pag-repost ni Kardashian ng mga patungkol sa pagkapanalo ni dating US Vice President Joe Biden.
Kaisa ni Kim sa pagbati sa 77-year-old “presumptive” president ang mga kapwa celebrity gaya ng singer na si Lady Gaga at J.Lo, at aktres na si Reese Witherspoon. (OMG)
Sa Pilipinas, una nang nagbalik-tanaw si Lea Salonga noong makadaupang palad ang dating US vice president na kuha aniya noong 2017 Tony Awards sa New York.