-- Advertisements --
DAVAO CITY – Gagawing trust fund ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang isang taon na sahod para sa mga frontliners ng Southern Philippine Medical Center (SPMC) na nagpositibo sa COVID-19.
Nabatid na mahigit P2 million ang sahod ng naturang alkalde sa loob ng isang taon.
Ayon kay Mayor Sara, ang naturang halaga ay kanyang hahatiin para sa mga COVID-19 positive frontliners ng SPMC na tatanggap ng P50,000 bawat isa.
Binigyan diin ng alkalde na hindi mababayaran ang sakripisyong ibinibigay ng mga frontliners sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa sa ngayon.
Nauna nang sinabi ni SPMC chief Dr. Leopoldo Vega na 12 empleyado ng hospital ang nag-positibo sa COVID-19