-- Advertisements --

Isa ang patay habang apat ang sugatan sa naganap na pananaksak sa isang supermarket sa Milan, Italy.

Kabilang sa nasugatan ang football player ng Arsenal FC na si Pablo Mari.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad bigla na lamang nanaksak ang suspek kung saan ikinasawi ito agad ng 30-anyos na cashier ng Carrefour supermarket.

Naaresto naman ng mga kapulisan ang 46-anyos na suspek kung saan inaalam nila ang motibo nito sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ay sinasabing mayroong sakit sa pag-iisip ang suspek.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.