-- Advertisements --
Isa ang patay at isa ang nasugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Las Vegas.
Ayon sa Las Vegas Metropolitan Police na nangyari ang insidente sa Fremont Street Experience.
Base sa inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang kaguluhan sa loob ng isang casino doon.
Isa sa mga nabaril ay tinamaan lamang ng ligaw na bala na nagpapagaling na sa pagamutan.
Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang kinaroroonan ng suspek matapos na ito ay tumakas.