-- Advertisements --

Sudden unintended acceleration (SUA) ngayon ang sinasabing sa pag-atras ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Raon at Gonzales street Quiapo, Maynila na ikinamatay ng isang babae.

Sa inisyal na imbestigasyon, dead on the spot ang biktimang babaeng bystander sa lugar na si Marides Suing Co na taga Maharlika, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Manila Police District Station 3, nadikdik ng SUV sa steel accordion ng isang tindahan.

Maliban sa namatay, nasa anim na iba pang bystander din ang nasugatan na isinugod na sa ospital.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Magdaluyo, pinaandar ng driver ang SUV at biglang at umatras ng matulin.

Nakilala ang driver ng SUV na Jose Pableo na nasa kostodiya na ng mga pulis.

Galing pa sa Bagac, Bataan ang SUV at sumadya sa Raon para mamili ng gamit.