-- Advertisements --
Nag-iwan ng isang katao ang nasawi at lima ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa isang ballgame sa Atlanta park.
Naganap ang insidente sa isang baseball game sa Dunbar Recreational Center sa Rosa L. Burney Park.
Dahil sa pangyayari ay hindi na natuloy ang laro.
Isang 30-anyos na lalaki ang nasawi sa insidente habang ang 6-anyos na batang lalaki na nasugatan ay dinala na sa pagamutan.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.