-- Advertisements --

Patay ang isang katao habang sugatan ang 46 na iba pa sa naganap na dalawang pagsabog sa liquefied petroleum gas (LPG) station sa Romania.

Kabilang sa mga nasugatan ang 26 na bumbero na rumesponde sa unang pagsabog sa Bucharest.

Nagtamo ng matinding sugat ang mga biktima na itinakbo sa mga pagamutan.

Inilikas naman ang mga residente na nakatira sa mayr 700-meters radius para hindi madamay sa nasabing sunog.

Tinawag naman ni Romania President Klaus Iohannis na isang matindi ang nasabing trahedya.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.