-- Advertisements --

Nauwi sa pagkasawi ng isang indibidwal habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos ang panibagong insidente ng pamamaril sa isang simbahan sa may suburb ng Birmingham, Alabama.

Ayon kay Vestavia Hills Police Department Capt. Shane Ware, nasa tatlong katao ang napaulat na nabaril sa naturang insidente subalit sa kasamaang palad binawian ng buhay ang isa sa kanila.

Nangyari ang naturang pamamaril sa St. Stephens Episcopal Church sa Vestavia Hills.

Kasalukuyang nasa kustodiya ang suspek sa pamamaril subalit hindi na pinangalanan ng awtoridad.