Nakatakdang mag-recant o bawiin ng isa pang testigo ang mga akusasyon nito laban kay dating Senator Leila de Lima at iba pang mga akusado.
Ito ay matapos na ihayag ni Retired Police Brig. Gen. Jerry Valeroso sa isang sulat na may petsang Dec. 18 sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang kaniyang intensiyon na mag-recant sa kaniyang naunang mga testimoniya laban sa dating Senadora upang mapalaya ang lahat ng mga akusado na nakasuhan ng hindi makatarungan sa korte.
Sinabi din ng naturang testigo na ang mga reklamong kriminal laban kay De Lima at iba pa ay pawang mga kasinungalingan lamang.
Inihayag din nito na matagal na niyang ikinokonsidera na mag-recant noon pang 2019 subalit nagdalawang isip ito dahil sa takot para sa kaligtasan nito at ng kaniyang pamilya.
Plano naman ng retiradong pulis na magsumite ng kaniyang official affidavit sa kaniyang recantation sa RTC matapos komunsulta sa kaniyang abogado.
Kung nagkataon si Valeroso na ang ika-13 testigo na magrerecant ng kaniyang mga naging akusasyon laban kay De Lima