-- Advertisements --
sputnik

Dadating na sa bansa ngayong buwan ang unang batch ng single-shot Sputnik Light vaccine doses.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang 1 million dose ng bakuna na binili ng pamahalaan ay dadating ngayong buwan dito sa bansa.

Aniya, maganda raw ang single-shot vaccine para sa mga indibidwal na bigong bumalik para sa kanilang second dose.

Kung maalala, noong Agosto 20, nag-isyu ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization para sa Sputnik Light.

Ayon sa Russian Direct Investment Fund (RDIF), ang Sputnik Light ay mayroong 79.4 percent efficacy kumpara sa 91.6 percent para sa two-shot Sputnik V.

Samantala, ngayong weekend, asahan naman daw na makatatanggap ang bansa ng 190,000 doses ng Sputnik V vaccine na gagamitin para sa second dose.

Sa ngayon, mayroon nang 58 million na bakuna ang dumating sa bansa mula noong Pebrero 28.