LAOAG CITY – Isa ang patay habang pito ang sugatan matapos ang nangyaring aksidente sa harap mismo ng Nagsanga Elementary School, sa Barangay sa bayan ng Pasuquin.
Kinilala ni Police Major Vencioly Luzano, ang chief of police ng PNP-Pasuquin ang namatay na si Sancho Chavez Bianzon, 53-anyos, negosyante, at ito ang nakaupo sa passenger seat ng kotse.
Kabilang rin sa mga nasugatan ay ang mga batang edad isa hanggang 11, ang asawa ng namatay na 27-anyos at ang driver na si Erwin Jay Chavez Tapang, 33-anyos.
Ayon kay Luzano, galing ang nasabing pamilya sa Santiago, Isabela at papunta sana dito sa lungsod ng Laoag para sa isang event at para magbakasyon.
Sa inisyal na imbestigasyon, inamin umano ng driver na nakatulog dahilan para mawala ang kanyang control sa manibela hanggang bumangga ang mga ito sa post eng kuryente.
Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat ang mga biktima at itinakbo sa Gov. Roque Ablan Senior Memorial Hospital dito sa lungsod ngunit idineklarang dead on arrival si Sancho.
Nanati naman sa nasabing ospital ang mga sugatang biktima.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyang aksidente.