-- Advertisements --
image 468

Ibinalik na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang humigit-kumulang 1.1 milyong mga pamilya na dating miyembro ng 4Ps ngunit tinanggal dahil sa ibat ibang kadahilanan.

Ito ang kinumpirma ni Sec Rex Gatchalian, kasabay ng pagtitiyak na makakatanggap na ang mga ito ng kanilang benepisyo sa ilalim ng naturang programa.

Ayon kay Gatchalian, sumailalim kasi muli sa mga assesment ang mga naturang pamilya at natukoy ang pangangailangan na sila ay maibalik sa naturang social protection program ng pamahalaam.

Isa sa mga naging dahilan dito aniya ay ang pagbabago ng buhay ng maraming mga Pinoy dahil sa nagdaang pandemiya.

Tinitiyak naman ng kalihim na magpapatuloy pa rin ang ginagawang assestment ng DSWD sa pamamagitan ng 4Ps-National Program Management Office nito, upang matukoy ang mga nararapat at kwalipikadong makinabang sa ilalim ng 4Ps program ng pamahalaan.

Nagbigay-garantiya rin ang kalihim na magpapatuloy ang kanilang kampanya para matugunan ang kahirapan sa buong bansa.

Maalalang bago umupo si Sec Gatchalian, nauna na ring ipinag-utos ng DSWD management sa ilalim ni dating Secretary Erwin Tulfo ang malawakang pag-review sa mga miyembro ng 4ps, para matanggal ang mga hindi na kwalipikado sa naturang programa.