Inanunsiyo ni Executive Secretary Ralph Recto na mayroong paparating sa bansa ng 1.04 milyon na bareles ng diesel.
Sinabi nito na ang unang batch ay darating ngayong linggo.
Dagdag pa nito na pinangunahan ni Energy Secretary Sharon Garin ang pangangasiwa nito para makakuha ang gobyerno ng nasabing ganung kalaking bareles ng diesel.
Bukod pa dito ay mayroong matatanggap ang Pilipinas ng steady suplay ng coal mula sa Indonesia.
Magugunitang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na napapanatili ng Pilipinas ang sapat na suplay ng krudo kung saan magtatagal pa ito ng hanggang Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Mahigit 700,000 bariles din ng Russian crude oil ang dumating na rin sa bansa noong Marso 23 na ito ay inorder ng Petron.
Una ng sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang suplay ng langis ng bansa ay kayang tumagal ng hanggang 45 araw.
















