-- Advertisements --

Nasa Canada na si Ukrainian President Volodymyr Zelensky para manawagan ng tulong militar.

Personal nitong nakapulong si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Ottawa.

Matapos kasi ang matagumpay na pagbisita nito sa US ay dumiretso na siya sa Canada.

Mula pa noong Pebrero 2022 ay nakapagbigay na ang Canada ng mahigit $9- bilyon bilang tulong militar.

Umaasa naman si Zelensky na makakuha pa ng mga dagdag na tulong militar sa Canada.