-- Advertisements --

Hinikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang US na tulungan sila para talunin ang Russia.

Itinuturing din nito na ang mga military aid ng US ay hindi isang uri ng charity at sa halip ay isang investment sa seguridad para sa kinabukasan.

Tiniyak naman ni US President Joe Biden na magpapatuloy ang kanilang tulong sa Ukraine.

Nangako rin si Biden ng panibagong $2 bilyon na aid package at dadagan pa nito ng $45-B para labanan ang Russia.

Nasa US si Zelensky na siyang unang pagkakataon na pagbiyahe niya mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero.