-- Advertisements --

Nag-alok si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ipagpalit ang pro-Kremlin tycoon na si Viktor Medvedchuk na inaresto ng Kyiv matapos makatakas sa house arrest, para sa mga Ukrainians na binihag ng Russia.

Si Medvedchuk, 67, ay ang personal na kaibigan ng pangulo ng Russia na si President Vladimir Putin at sinabing ang pinuno ng Kremlin ay ninong sa kanyang bunsong anak na si Darya.

Nauna nang inihayag ng mga awtoridad ng Ukraine na nahuli nila ang isang kilalang pro-Kremlin tycoon na nakatakas mula sa house arrest pagkatapos ng pagsalakay ng Russia.

Napag-alaman na nag-post si Zelensky ng isang larawan sa online ng isang mukhang magulo na Medvedchuk na nakaposas ang mga kamay at nakasuot ng Ukrainian army uniform.

Magugunitang si Medvedchuk, ay isa sa pinakamayamang tao sa Ukraine, at isa umano sa napakalaking kontrobersyal na pigura na may malapit na kaugnayan sa Moscow.

Siya ay nakakulong sa ilalim ng house of arrest mula noong nakaraang taon dahil sa mga kaso ng pagtataksil dahil sa mga akusasyon ng pagtatangkang magnakaw ng mga likas na yaman mula sa Russia-annexed Crimea at ng pagbibigay ng mga lihim ng militar ng Ukrainian sa Moscow.