-- Advertisements --
Kinuwestiyon ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang mahigit P16 billion na napasama sa 2022 proposed budget ng National Irrigation Administration (NIA).
Sa deliberasyon ng House committee on appropriations hinggil sa P32.08 billion na proposed budget ng NIA, sinabi ni Zarate na ito ay maituturing na pork barrel.
Ayon kay Zarate, napakaraming lump sum ang napansin nila sa pondo ng NIA para sa susunod na taon na aabot ng P16.3 billion.
Bilang sagot, sinabi ni NIA deputy administrator C’zark Sulaik na ang mga proyekto nila ay mayroong breakdown.
Ang sinasabing lump sum aniya ni Zarate ay tumutukoy sa kanilang support to operation kabilang na ang climate change adaptation work at repair sa irrigation systems.