-- Advertisements --

Hindi pa inaatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin o tuntunin si dating House Appropriations Chair Zaldy Co.

Sa isang panayam, natanong si NBI Director Jaime Santiago kung naatasan na ang naturang opisina para hanapin ang dating mambabatas, ngunit aniya, wala pang natatanggap ang ahensiya na kautusan.

Ayon kay Santiago, sa huling impormasyong inilabas ng Bureau of Immigration (BI) ay nasa Spain ang bilyonaryong si Co.

Dagdag pa ni Santiago, inatasan na ng Department of Justice ang Bureau of Investigation (BIB) para maglabas ng blue notice laban kay Co. Layunin nitong matukoy ang actual lokasyon ng dating mambabatas.

Paliwanag pa ng dating judge, saka lamang maglalabas ng red notice kung mayroon nang warrant laban kay Co.