-- Advertisements --
Matagumpay na naidepensa ni Agatha Wong ang kanyang titulo sa wushu women’s taolu taijijian event sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian (SEA) Games.
Ginanap ang event sa Cau Giay Gymnasium saHanoi, Vietnam.
Pinayuko ng 23-year-old Filipina ang walong contenders sa event at nagtapos sa score na 9.71.
Ang Taolu taijijian ang parehong event na napanalunan ni Wong sa 2019 edition ng SEA Games na ginanap sa Manila.
Agad namang bumuhos ang pagbati kay Wong matapos madagdagan ang gold medal sa bansa sa naturang palaro.
Sa ngayon, 13 na ang gold medal ng bansa sa nagpapatuloy na SEA Games.