-- Advertisements --

Bakas ang excitement ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa bago nitong kampanya sa gitna ng “new normal” lifestyle dulot ng coronavirus pandemic sa bansa.

Ayon sa 28-year-old half German beauty queen na tubong Cagayan de Oro, 30,000 trabaho ang nag-iintay sa naturang kampanya na nakasentro sa work from home.

Mamayang gabi ito iaanunsyo ni Wurtzbach sa kanyang Instagram at Facebook.

https://www.instagram.com/p/CCINg8NDtUa/

Ang pangatlong Pinay Miss Universe ay siya ring Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific ng UNAIDS (Joint United Nations Programme on HIV/AIDS).

Kamakailan lang nang aminin nito na may bago na ring love life sa piling ng Venezuelan businessman na si Jeremy Jauncey.

Nicole Cat

Nabatid na maging ang kapwa beauty queens nito na sina 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray at Binibining Pilipinas-Grand International 2016 Nicole Cordoves ay magiging abala rin sa pamamagitan naman ng online training sessions sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas ngayong taon.