-- Advertisements --
Pumanaw na ang WWE legend na si Joe Laurinaitis o kilalang ‘Road Warrior Animal” sa edad 60.
Ayon sa asawa nito na nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Tan-Tar-A Resort sa Osage Beach, Missouri.
Hindi naman na binanggit pa nito ang sanhi ng kamatayan ng wrestling legend.
May taas na 6-foot-2 at bigat na 300 pounds ay nakilala ito sa wrestling kasama ang partner nitong si Hawk.
Naunang pumanaw ang tag-team partner nito si Michael Hegstrand dahil sa atake sa puso noong 2003.
Taong 2011 ng ma-induct ito bilang WWE Hall of Fame.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang wresling legend sa pangunguna ni Hulk Hogan at ilang nakasama nito sa WWE.