-- Advertisements --

Inanunsiyo ni World No.1 Aryna Sabalenka na hindi ito makakapaglaro sa Stuttgart Open dahil sa injury.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang masamang balita sa hindi pagsali sa torneo na magsisimula sa susunod na linggo.

Nakuha umano nito ang kaniyang injury sa Miami Open kung saan hindi ito agad na gumaling.

Hindi naman na ibinahagi pa ng 27-anyos na Belarus tennis star kung anong uri ng injury na kaniyang tinamo.