Bumuhos ngayon ang mga pagpupugay mula sa mga matataas na lider sa buong mundo kaugnay sa pagkamatay ng huling Soviet leader na si Mikhail Gorbachev.
Ang dating Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si James Baker ay nagbigay pugay kay Gorbachev at sinabing mami-miss ng mundo ang kanyang impluwensya sa mga international affairs.
Kahit ang mga EU leaders ay nagbigay pugay din kay Gorbachev, sinabi ni French President Emmanuel Macron na ang “commitment to peace in Europe” ni Gorbachev ay nagbago ng ating common history.
Naglabas naman ng pahayag si UN Secretary General António Guterres na nagpaparangal sa “one-of-a kind statesman na nagbago sa takbo ng kasaysayan”.
Aniya, mas maraming naggawa si Gorbachev kaysa sa sinumang indibidwal upang maisakatuparan ang mapayapang pagtatapos ng Cold War.
Inihayag naman ni European Commission President Ursula von der Leyen na hindi malilimutan ng Europe ang legasiya ni Gorbachev.
Nagpaabot naman si Russian President Vladimir s akaniyang pakikiramay sa pamilya ni Gorbachev.
Nauna nang inanunsiyo ng Central Clinical Hospital na namatay ang 91-anyos na si Gorbachev dahil sa kaniyang dinaramdam na severe at prolonged illness.
Nakatakda siyang ilibing katabi ng kaniyang asawa na si Raisa sa Novodevichy Cemetery sa Moscow.










