Pansamantala munang umupo bilang head coach ng San Antonio Spurs ang isa sa kanilang assistant coach na si Becky Hammon sa ginanap na exhibition game kontra sa Milwaukee Bucks.
Habang ang veteran head coach na si Gregg Popovich ay tumayong assistant coach muna niya kung saan ito ay naka-face masked.
Ayon sa impormasyon iikot sa paghawak ang mga assistant coaches ng Spurs sa tatlo nilang exhibition games.
Ito ay bago magsimula ang NBA restart sa July 31 kung saan una nilang makakalaban ang Kings.
Ang Spurs ay una nang nakapagtala sa NBA history nang kunin nila si Hammon na siyang naging unang first-ever female assistant coach noong 2014.
Si Hammon ay naglaro ng 16 na taon sa WNBA at napasama sa anim na All-Star teams.
Samantala mistula namang hiniya ng Bucks si Hammon nang ipatikim 113-92 win sa kanilang unang bubble scrimmage.
Binitbit ni Giannis Antetokounmpo ang Spurs sa kanyang 22 pts (9/13 shooting) sa loob ng 21 minutes na paglalaro.
Si Brook Lopez naman ay nagpakita ng 17 pts at si Khris Middleton ay nagtapos sa 16 pts.