-- Advertisements --

Umani ng pagbati ang Minnesota Timberwolves matapos makuha ang panalo laban sa Denver Nuggets sa score na 98-90 sa Game 7 ng Western Conference semifinals.

Dahil dito, aakyat na ang Wolves sa finals ng West para tapatan ang Dallas Mavericks.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 20 taon na umusad hanggang sa ganitong level ang kanilang kuponan matapos manalo sa Denver sa ikatlong pagkakataon sa serye.

Nanalo ang Timberwolves sa Game 7 laban sa Sacramento Kings noong 2004 para maabot ang conference finals.

Ang Minnesota na No. 3 seed, ay nagho-host ng No. 5 Dallas sa Game 1 noong Miyerkules ng gabi.

Marami naman ang nanghinayang sa nasimulan ng Nuggets, lalo’t dati silang naghari dito sa nakalipas na season.