-- Advertisements --
Wings Aces Basketball

Bubuksan na ng Women NBA ang panibago nitong team na pangangasiwaan ng Golden State Warriors.

Inanunsyo ni WNBA Commissioner Cathy Engelbert ang pagbubukas nito at inaasahang magsisimula sa paglalaro pagsapit ng 2025.

Sina Warriors Co-Executive Chairman at CEO Joe Lacob, at Co-Executive Chairman Peter Guber ang may-ari sa naturang team habang ang operasyon nito ay sasaklawin ng Warriors.

Magsisilbing homecourt nito ang Chase Center sa San Francisco.

Gagamitin din ng bagong WNBA team ang training facilities ng Golden State.

Ang GSW ay ang pang-anim na NBA franchise na mayroong WNB counterpart.

Sasamahan ng Warriors ang iba pang team na kinabibilangan ng Indiana Pacers, Minnesota Timberwolves, Brooklyn Nets, Phoenix Suns, at Washington Wizards.