-- Advertisements --

Nakatakdang pakasalan ni Wikileaks founder Juian Assange ang fiancee nitong si Stella Moris sa Belmarsh prison sa London.

Taging apat na bisita at dalawang witness ang papayagan na dumalo sa seremonya kasama ang dalawang guwardiya.

Agad naman na aalis ang mga bisita matapos ang nasabing seremonya.
Noong Nobyembre 2021 ng ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement matapos ang pabalik-balik sa kulungan.

Ayon pa sa kampo ni Assange na kinuha nila ang British fashion designer na si Vivienne Westwood na siyang nagdesenyo sa damit na isusuot ni Westwood.

Nakatakda ring magtungo sa labas ng kulungan ang ilang libong mga suporters ni Assange.

Magugunitang kinasuhan ng US ng pag-iispiya si Asange dahil sa paglabas nito ng mga classified na impormasyon mula sa military.

Noong Marso 15 ng hindi pinayagan ng korte suprema sa United Kingdom ang ang apila nito na extradition sa US dahil umano sa walang punto ito sa batas.