-- Advertisements --

Nagpatuloy ang mga Member States ng World Health Organization (WHO) sa pag-usad ng trabaho sa Pathogen Access and Benefit Sharing (PABS) annex, bahagi ng WHO Pandemic Agreement.

Sa Geneva, nagtapos ang resumed session ng sixth meeting ng Intergovernmental Working Group (IGWG) na nakatuon sa PABS system.

Ang resulta ng pag-uusap ay ihaharap sa Seventy-ninth World Health Assembly (WHA) ngayong buwan.

Dahil kailangan pa ng karagdagang negosasyon, tatalakayin ng WHA ang pagpapatuloy ng IGWG work alinsunod sa Resolution WHA78.1.

Ayon kay WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, “real progress” ang nagawa at inaasahang malalampasan ang mga pagkakaiba sa patuloy na negosasyon.

Layunin ng PABS system ang patas na pagbabahagi ng pathogens at benepisyo gaya ng vaccines, diagnostics, at therapeutics.

Inaasahang magpapatuloy ang IGWG sa ikapitong meeting mula Hulyo 6 hanggang 17, 2026. (report by Bombo Jai)