-- Advertisements --
Nabahala ang World Health Organization (WHO) sa posibleng paglobo pa ng kaso ng COVID-19 sa North Korea.
Sinabi ni WHO emergencies director Mike Ryan na hindi malayong makaranas ang North Korea ng mataas na bilang ng hawaan dahil marami pa ring mga mamamayan ng North Korea ang hindi pa nababakunahan laban sa nasabing virus.
Isa pang magpapalalala ng kalagayan sa nabanggit na bansa ay ang hindi nila paggamit ng mga lunas na makikita na sa iba’t-ibang mga bansa.
Tiniyak din nila na handa ang WHO na tumulong pero wala silang kapangyarihan na makialam sa soberanya ng isang bansa.