-- Advertisements --
Trump
White House briefing/ Twitter image

Bumuo na ng coronvirus task force ang White House para labanan ang mabilisang pagkalat ng nasabing sakit.

Sinabi ni White House press secretary Stephanie Grisham, na mangunguna ang task force sa pag-monitor, pag-contain at pag-mitigate ng nasabing pagkalat ng virus.

Ito ay para matiyak na kanilang mga kababayan na magkaroon ng tama at up-to-date health at travel information.

Pamumunuan naman ni Health and Human Services Secretary Alex Azar ang nasabing task force na binuo matapos ang pakikipagpulong kay US President Donald Trump.