-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isinailalim sa lockdown ang outpatient department ng West Visayas State University Medical Center o mas kilala bilang Don Benito Hospital sa Lungsod ng Iloilo.
Ito’y matapos magpositibo sa coronavirus disease ang isang health worker at tatlong pasyente ng nasabing ospital.
Base sa inilabas na official statement ng West Visayas State University Medical Center management, pansamantalang isasara ang outpatient department habang ang mga personnel at risk ay kinuhaan na ng swab sample at nakatakdang sumailalim sa quaratine.
Ito na ang ikatlong ospital na isinailalim sa lockdown sa Iloilo.