Nakatakdang ilunsad ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) bukas Setyembre 18 ang kauna-unahang Olympic Gold Stamp bilang pagkilala kay Hidilyn Diaz na kauna-unahang atleta ng bansa na nakasungkit ng gold medal sa Olympics na ginanap sa Tokyo, Japan.
Maliban dito, ilulunsad din ang stamps ng mga Filipino Olympic boxing silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio at Bronze medalist Eumir Marcial.
Sa isang statement, sinabi ng PHLPost ang stamps ay mahalagang pagkilala sa ambag ng apat na atleta na nagbigay ng pagkilala sa ating bansa.
Samantala, kasama ring ilulunsad ng Post Office ang “Keep the Faith, Be a Hero, Vaccinated Stamps.”
Dadaluhan ito ng PHLPost Head, Postmaster General Norman Fulgencio, Presidential Assistant for the Visayas, Secretary Michael Lloyd Dino at Olympic medalists.
Isasagawa ito sa Manila Central Post Office Building, Liwasang Bonifacio sa Manila.