-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin ang bandang Weezer sa kanilang Pinoy fans matapos na makansela ang nakatakdang concert sana nila sa kanta.
Ayon sa banda na gustong-gusto nilang magtanghal sa PLUS63 Festival subalit ito ay nakansela.
Ito sana ang unang pagkakataon ng banda na magsagawa ng concert sa bansa.
Gaganapin sana ang nasabing concert sa Oktubre 14 sa Paranaque City.
Nakilala ang banda sa kanilang mga kanta gaya ng “Buddy Holly”, “Island In the Sun” at maraming iba pa.
Bilang pampalubag loob ay nag-upload ang bokalista nila na si Rivers Cuomo ng cover niya ng kanta ng Aegis na “Halik”.