Muli na namang makakaranas ng water service interruption ang mga customers ng Maynilad Water Services Inc.
Sa advisory ng Maynilad, isasagawa ang water interruption sa ngayong araw hanggang sa Disyembre 7 o sa Lunes.
Ito ay dahil pa rin umano sa maintenance work nila sa La Mesa Treatment Plant 2 na nagreresulta ng mababang water production.
“Pansamantalang ibababa ang water production ng La Mesa Treatment Plant 2 simula mamayang gabi upang bigyang-daan ang urgent maintenance works na ipinagpaliban matapos ang naging epekto ng Bagyong Ulysses sa aming operasyon,” base sa post ng Maynilad sa kanilang Facebook at Twitter.
Apektado naman ng water interruption ang mga lugar sa Caloocan, Valenzuela, Quezon City, Meycauayan at Obando sa Bulacan mula alas-10:00 ng umaga kanina hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa Disyembre 7.