-- Advertisements --
Makakaharap ng powerhouse team na Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies sa semifinals ng NBA playoffs sa Western Conference.
Ito ay makaraang igupo kanina ng Grizzlies sa Game 6 ang Minnesota Timberwolves, 114-106, upang tapusin ang serye nila sa record na 4-2.
Swerte pa rin ang Grizzlies dahil mula sa deficit ay kumayod ito ng husto at hinabol ang kalamangan ng karibal na Wolves.
Nanguna sa diskarte ng Grizzlies sina Desmond Bane at Dillon Brooks na kapwa may tig-23 points para punan ang kamalasan sa puntos ng kanilang top scorer na si Ja Morant.
Samantala, magsisimula naman ang Game 1 ng Grizzlies at Warriors ay sa Lunes na.