-- Advertisements --
Golden State Warriors v Phoenix Suns

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakaharap ni 2-time NBA Finals MVP Kevin Durant bilang isang Phoenix Suns, ang kanyang dating team na Golden State Warriors.

Sa season opener kasi ng NBA 2023-2024 Season ay nakatakdang magharap ang Suns at Warriors sa Chase Center.

Simula napunta sa Suns, ito ang unang pagkakataon ni Durant na makaharap ang Warriors na dati niyang team, at makakalaban sa court ang mga dating kakampi na sina Stephen Curry, Klay Thopmson, at Draymond Green.

Sa panig naman ng Warriors, ito ang unang pagkakataon na makakaharap ni dating Suns Point Guard Chris Paul ang kanyang koponan.

Unang na-trade si Paul sa pagtatapos ng 2023-2024 Season papunta sa Washington Wizards, ngunit tuluyan ding nakuha ng Warriors, kapalit ang kanilang raising star na si Jordan Poole at iba pang bagitong players.

Ngayong season, kapwa nagdagdag ang dalawang nabanggit na koponan ng mga beteranong player.

Sa panig ng Suns, nakuha nila si Bradley Beal, habang si Chris Paul naman ang naidagdag sa roster ng GS.

Nakatakda bukas, Oktobre-5, ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan.