Inamin ni Budget Sec. Wendel Avisado na wala ng inilaang pondo para sa social amelioration program (SAP) sa panukalang P4.5 trillion national budget para sa 2021.
Sa Senate budget hearing, tinanong ni Minority Leader Franklin Drilon kung bakit wala ng alokasyon para sa emergency cash gayung inaasahang dadami ang mga Pilipinong babagsak sa poverty line dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Sec. Avisado, tanging regular programs na lamang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinaglaanan ng pondo.
Ayon kay Sec. Avisado, inaasahan naman nila ang pagbawi ng ekonomiya at pagkakaroon ng mga oportunidad para sa mga mamamayan dahil makakabalik na sila sa trabaho.
Una ng inihayag ng DSWD na nasa 13.7 million mahihirap na Pilipino ang nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan 1 at ginastusan ito ng nasa P82 billion.
“We’re looking at the improvement in the economy and the opportunity for people to be able to work already and we still have the regular programs, the 4Ps that will be continued,” ani Sec. Avisado.















