-- Advertisements --
Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco sa mga senador na walang pork na nakasingit sa ilalim ng 2021 General Appropriations Bill.
Kasabay nito ay nangangako si Velasco na kanilang ipapadala ang kopya ng proposed budget sa Senado sa susunod na linggo.
Nauna nang target ng Kamara na ipadala sa Senado ang final version ng GAB sa Nobyembre 5, pero ayon kay Senate President Vicente Sotto III mahihirapan silang aprubahan ito on time kung ganito ang timeline.
Kaya naman sinabi ni Velasco na binago na nila ang kanilang targe date sa transmittal ng proposed budget sa Senado sa Oktubre 28.
Biyernes ng nakaraang linggo nang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang GAB, matapos na sertipikahang urgent ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.