Walang Pilipinong napaulat na sugatan o namatay sa tonga, Samoa at Fiji kasunod nang malawakang pagputok ng undersea volcano.
Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Ed Meñez, inaalam pa sa ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa New Zealand kung mayroong mga Pilipinong apektado nang pagputok ng bulkan at tsunamis.
Sinabi ng DFA na mayroong 87 Pilipino sa Tonga, 300 sa Samoa, at 400 naman sa Fiji.
Kahapon, Enero 16, sinabi ng embahada sa New Zealand na lumikas ang mga residenteng nakatira sa coastal areas at nawala ang linya ng komunikasyon dahil sa nangyaring tsunamis sa Tonga, Samoa at Fiji.
Sabado nang makaranas ang Pacific island ng Tonga ng massive volcanic eruption na sinundan ng tsunami na naging sanhi nang pagbaha sa capital nito na Nuku’alofa.










