-- Advertisements --

Walang naiulat na may mga Filipino na nasaktan sa naganap na 5.9 magnitude na lindol sa Iran.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), agad na pinuntahan ng Philippine Embassy ang Filipino community sa Tabriz City kung saan mayroong 32 mga Pinoy ang naninirahan sa lugar.

Tiniyak ng DFA na kanilang tutulungan ang mga Filipino na naapektuhan sa nasabing lindol.

Magugunitang lima ang patay habang marami ang nasugatan ng tumama ang lindol sa silangang Azerbaija province.