-- Advertisements --

Masaya raw si Health Sec. Francisco Duque III na buo pa rin ang tiwala sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga panawagang palitan siya sa pwesto.

Sa isang panayam sinabi ni Duque na walang katumbas ang patuloy na pagtaya sa kanya ng presidente, lalo na’t may hinaharap na krisis ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas.

Bukod sa pagiging kalihim ng Department of Health, si Duque ay namumuno rin bilang chairman ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon sa Health secretary, malaking bagay ang patuloy na pagtanaw ni Duterte sa pagsisikap ng kagawaran na tugunan ang sitwasyon ng pandemic sa bansa.

Ngayong araw pumalo na sa 15,049 ang total ng confirmed cases sa Pilipinas matapos muling makapagtala ng higit 300 bagong kaso ng sakit.

Aminado ang DOH na nagkukulang ang bansa ng contact tracers, gayundin na hindi pa naaabot ang target na 30,000 testing capacity kada araw ng mga laboratoryo.