-- Advertisements --

Wala ng buhay ng matagpuan ng mga otoridad ang katawan ni Iran President Ebrahim Raisi at iba pang pasahero ng helicopter na sinakyan ng mga ito na unang napaulat na nawawala noong nakalipas na linggo.

Kabilang sa mga kumpirmadong nasawi ay ang mga sumusunod na indibibwal;

  • -President Ebrahim Raisi
  • – Foreign Minister Hossein Amir Abdollahian
  • – Governor of Eastern Azerbaijan province Malek Rahmati
  • – Tabriz’s Imam Mohammad Ali Alehashem
    -Piloto
  • -Copilot
  • -Crew Chief
  • -Head of Security
  • – Bodyguard

Kung maaalala, noong nakalipas na linggo sakay nito ang Pangulo ng Iran patungo sana sa Tabriz City sa northwest Iran.

Pinaniniwalaang bumagsak ito sa bulubunduking bahagi ng Iran dahil sa masamang lagay ng panahon.

Patuloy pa rin ang isinasagawang rescue and retrieval ng mga otoridad sa naturang lugar.

Samantala, nakatakda namang pumalit bilang pangulo ng Iran si First Vice President Mohammad Mokhber matapos ang pagkamatay ni Iran President Ebrahim Raisi.