-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kulang pa ng sapat ebidensya ang resulta ng pag-aaral ng ilang eksperto na nagsabing maaaring maipasa ang virus ng COVID-19 sa pamamagitan ng maliliit na airborne particles.

Sa isang panayam sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, patuloy ang ginagawang pag-aaral ng ahensya sa lahat ng articles na lumalabas araw-araw tungkol sa pandemic na sakit.

Sa ngayon ang pinanghahawakan pa rin daw ng DOH na konsepto ng COVID-19 transmission ay sa pamamagitan ng droplets.

Nitong Lunes nang magpadala ng liham sa World Health Organization ang aabot sa 239 scientists mula sa higit 30 bansa.

Kanilang sinabi na ang “floating virus particles” ng SARS-CoV-2 ay maaaring makahawa sa tao kapag nalanghap ito’y nalanghap.

Sa nakaraang statement, sinabi ng WHO na posible lang ang airborne transmission pagkatapos ng mga medical procedures dahil nag po-produce ang mga ito aerosoles o droplet na mas maliit pa sa 5-microns.

Wala pang inilalabas na bagong pahayag ang organisasyon bilang tugon sa ulat ng mga eksperto.