-- Advertisements --

Mas pinili ni dating NBA star Dwayne Wade ang Miami Heat na manalo sa NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.

Ito ay matapos na tanungin siya mismo ni NBA legend at Lakers star Earvin Magic Johnson.

Sinabi ni Wade na mas pipiliin niyang magwagi ang Heat na dati nitong koponan kaysa sa kaibigan nitong si LeBron James ng Lakers.

Magugunitang nakasama ni Wade si LeBron sa Heat sa ilalim ni coach Erik Spoelstra.

Magsisimula ang first game ng NBA finals ng dalawang koponan sa Huwebes ng 9 ng umaga oras sa Pilipinas.